WordStream Blog #4: Hindi Lang Ikaw Ang Hirap

 Linggo, mga 8:30a.m pagbaba ko ng jeep sa SM Fairview, may nakasabay ako sa paglalakad ko. May isang bulag na lalaki, muntik ko nang maapakan ang kanyang 'walking stick'. Iginilid ko sya at inalalayan gamit ang kanang kamay ko na nakahawak sa balikat nya. 

"Kuya, saan po ba kayo pupunta? Saan po ang sakayan nyo?", panimula ko.

Nagsimula syang makipagkwentuhan sakin. "Sa Bayan. Dito talaga ako lagi dumadaan eh kada umaga."

"Gano'n po ba. Kuya, wala po kayong kasama?", tanong ko.

"Wala, ako lang. Papunta akong trabaho", sagot nya.

Madami pa syang sinabi at nakikinig lang ako at mahinang sumasagot. Namangha ako sa kanya sa kadahilanang ako walang kapansanan at malakas pa naman ngunit heto ako't nanghihina at napapagod kaagad kahit konting problema lang ang harapin. Pero sya, ang mga kagaya ni Kuya ay mas hirap at mas pagod pero hindi nila iniinda at patuloy lang na lumalaban.

Sana lahat ng taong kumakayod para sa pamilya, tularan din si kuya. Iba -iba man tayo ng sitwasyon sa buhay, lahat tayo may pinagdadaanang problema kaya wag susuko at wag papatalo sa mga pagsubok. Gagamitin kong paalala ang kwentong ito kapag dumating ang oras na napanghihinaan na ako ng loob. :) :) :)


~windy<3

Comments

Popular posts from this blog

WordStream Blog #2: Tagapagmana Ng Kompanya

WordStream Blog #1: Wounds from Handwash