WordStream Blog #2: Tagapagmana Ng Kompanya

 


"Napakasipag naman nito! Tagapagmana ka ata ng kompanya eh?"
"Pahinga ka naman saglit. Masyado mong ginagalingan eh."
"Tama na 'yan, galawang 'minimum wage' lang dapat tayo dito."
"Eto si ano, parang diko ata nakikitang nag-iidle."
"Hindi kayo binigyan ng incentive dun? Di ako papayag pag sa'kin ginawa yan."

~~
Nag-iidle naman ako, siguro pag pansin kong nakarami na at kapag pagod na. Hindi naman sa feeling ko magiging tagapagmana ako ng kompanya kaya sinisipagan ko. Hindi naman porket hindi nagrereklamo eh mahina o takot na. Hindi naman porket 'minimum wage' lang sinasahod mo eh ganun narin dapat magreflect sa output mo. 

Sinisipagan ko kasi ayun lang maooffer ko sa company na tumanggap sakin kahit na nag-aaral pa ako 'nung 2023 na nag-apply ako. Nagtitiyaga akong aralin lahat kasi from zero experience ako at kasi may dahilan ako-- ang pamilya ko. Lahat naman siguro tayo may dahilan kaya lumalaban. Siguro nasa ugali ko narin yung sipagan at galingan sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Makita man o hindi ng iba, ang mahalaga, ako mismo alam kong ginawa ko ang best ko. Hindi ka naman mapupunta sa trabaho mo ngayon kung hindi ka nakitaan ng potensyal ng company mo. Ang mindset kasi nating mga Pinoy, kapag may nakitang kaunting mali sa workplace eh panget na yung buong image ng company. Mas maganda siguro kung titignan pa rin natin yung magandang naidulot satin ng company natin, pati na rin ang mga taong nakapaligid sa atin at maging grateful pa rin dito kung aalis man. Hindi puro paninira. Tandaan mo, kung saan ka nag-umpisa, duon ka naggrow at natuto (kung isinapuso mo ang mga natutunanan mo). Lahat naman tayo may kanya-kanyang flaws, pero hindi naman ibig sabihin nun ay wala nang maganda satin, di'ba? :)



Comments

Popular posts from this blog

WordStream Blog #1: Wounds from Handwash

WordStream Blog #4: Hindi Lang Ikaw Ang Hirap