Posts

Showing posts from July, 2025

WordStream Blog #4: Hindi Lang Ikaw Ang Hirap

 Linggo, mga 8:30a.m pagbaba ko ng jeep sa SM Fairview, may nakasabay ako sa paglalakad ko. May isang bulag na lalaki, muntik ko nang maapakan ang kanyang 'walking stick'. Iginilid ko sya at inalalayan gamit ang kanang kamay ko na nakahawak sa balikat nya.  "Kuya, saan po ba kayo pupunta? Saan po ang sakayan nyo?", panimula ko. Nagsimula syang makipagkwentuhan sakin. "Sa Bayan. Dito talaga ako lagi dumadaan eh kada umaga." "Gano'n po ba. Kuya, wala po kayong kasama?", tanong ko. "Wala, ako lang. Papunta akong trabaho", sagot nya. Madami pa syang sinabi at nakikinig lang ako at mahinang sumasagot. Namangha ako sa kanya sa kadahilanang ako walang kapansanan at malakas pa naman ngunit heto ako't nanghihina at napapagod kaagad kahit konting problema lang ang harapin. Pero sya, ang mga kagaya ni Kuya ay mas hirap at mas pagod pero hindi nila iniinda at patuloy lang na lumalaban. Sana lahat ng taong kumakayod para sa pamilya, tularan di...